Pahayag 15 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang mga Panghuling Salot

1Nakita ko rin sa langit ang isa pang kakaiba at kagila-gilalas na palatandaan: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos.

2May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos.

3Inaawit,

matuwid at totoo ang iyong mga paraan!

4SinoJer. 10:7; Awit 86:9. ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?

Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan?

Ikaw lamang ang banal!

Lahat ng mga bansa ay lalapit

at sasamba sa iyo,

sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.”

5PagkataposExo. 38:21. nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan.

6Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian at may gintong pamigkis sa dibdib.

7Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman.

8AngExo. 40:34; 1 Ha. 8:10-11; 2 Cro. 5:13-14; Isa. 6:4. templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help