Pahayag 5 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Kasulatan at ang Kordero

1Nakita na makapagbukas o makatingin sa nilalaman niyon.

4Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon.

5NgunitGen. 49:9; Isa. 11:1, 10. sinabi sa akin ng isa sa matatandang pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakabalumbon.”

6Pagkatapos,Isa. 53:7; Zac. 4:10. nakita ko sa pagitan ng matatandang pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na ang anyo ay tulad sa pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong daigdig.

7Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatang nakabalumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.

8NangAwit 141:2. ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na punô ng insenso na siyang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.

9InaawitAwit 33:3; 98:1; Isa. 42:10. nila ang isang bagong awit:

“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakabalumbon

at magtanggal sa mga selyo niyon.

Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos,

mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.

10GinawaExo. 19:6; Pah. 1:6. mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos;

at sila'y maghahari sa lupa.”

11TuminginDan. 7:10. akong muli at narinig ko ang tinig ng milyun-milyon at libu-libong anghel. Sila'y nakapaligid sa trono, sa apat na buháy na nilalang at sa matatandang pinuno.

12Umaawit sila nang malakas,

“Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat

tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan,

kaluwalhatian, papuri at paggalang!”

13At narinig kong umaawit ang bawat nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon,

“Sa nakaupo sa trono, at sa Kordero,

ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan,

magpakailanman!”

14At sumagot ang apat na nilalang na buháy, “Amen!” At nagpatirapa ang matatandang pinuno at nagsisamba.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help