Genesis 2 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

1Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon.

2Tinapos

7Pagkatapos, mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

8Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang.

9Pinatubo

14Ilog Tigris naman ang tawag sa ikatlong sanga, at umaagos naman ito sa silangan ng Asiria. Ang ikaapat na sanga ng ilog ay ang Eufrates.

15Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan.

16Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan,

17maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”

18Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.”

19Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito.

20Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.

21Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon.

22Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki.

23Sinabi ng lalaki,

“Sa wakas, narito ang isang tulad ko,

laman ng aking laman, buto ng aking buto;

babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.”

24ItoMt. 19:5; Mc. 10:7-8; 1 Cor. 6:16; Ef. 5:31. ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.

25Kapwa hubad noon ang lalaki at ang babae, ngunit hindi sila nahihiya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help