Mga Awit 126 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin Upang Iligtas ng DiyosIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik,

ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip.

2Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit!

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,

“Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!”

3Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,

kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

4Kung paanong inuulan itong mga tuyong batis,

sa sariling bayan namin, Yahweh, kami ay ibalik.

5Silang tumatangis habang nagsisipagtanim,

hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.

6Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis,

ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help