Mga Bilang 24 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

1Nang matiyak ni Balaam na talagang gusto ni Yahweh na basbasan niya ang Israel, hindi na siya humanap ng palatandaan tulad ng dati. Tumanaw siya sa ilang

2at nakita niya ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Diyos

3at siya'y nagsalita,

“Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor,

ang pahayag ng taong may malinaw na paningin.

4Ang pahayag ng nakikinig sa mga salita ng Diyos,

at nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.

Kahit nabulagta sa lupa ngunit nanatiling malinaw ang paningin.

5Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda;

kay inam, O Israel, ng iyong mga tirahan.

6Wari'y napakalawak na libis,

parang hardin sa tabi ng batis.

Wari'y punongkahoy na mabango, itinanim ni Yahweh,

matataas na punong sedar sa tabi

ng mga bukal.

7Ang tubig ay aapaw sa lahat niyang sisidlan,

kapangyarihan niya'y madarama sa lahat ng lugar.

Ang hari niya ay magiging mas malakas kaysa kay Agag,

at ang kanyang kaharian ay magiging napakalawak.

8Inilabas siya ng Diyos sa bansang Egipto;

ang lakas na ginamit niya'y waring lakas ng toro.

Kaaway niya'y lulupigin pati buto'y dudurugin;

sa tulis ng kanyang pana, lahat sila'y tutuhugin.

9Siya'y

16Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos,

ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos,

ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan.

Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin.

17Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap,

nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap.

Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin,

sa lahi ni Israel ay may maghahari rin.

Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin,

lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin.

18Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir,

samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel.

19Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel,

ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.”

20Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya:

“Ang Amalek ay bansang pangunahin,

ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”

21Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo:

“Tirahan mo ay matibay at matatag.

22Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas.

Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.”

23Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag,

“Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos?

24Darating ang mga barko, mula sa Kitim

upang kanilang lusubin si Asur at si Eber,

ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.”

25Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help