Mga Awit 11 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Pagtitiwala kay YahwehKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1Kay Yahweh ko isinalig ang aking kaligtasan,

kaya't ang ganito'y huwag sabihin ninuman:

“Lumipad kang tulad ng ibon patungo sa kabundukan,

2sapagkat ang pana ng masasama ay laging nakaumang,

upang tudlain ang taong matuwid mula sa kadiliman.

3Ang mabuting tao'y mayroon bang magagawa,

kapag ang mga pundasyon ng buhay ay nasira?”

4Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo,

doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono,

at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao,

walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.

5Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri;

sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.

6Pinauulanan niya ng apoy at asupre ang masasamang tao;

at sa mainit na hangin sila'y kanyang pinapaso.

7Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod;

sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help