1Purihin nilabanan ka pa.
8Sa kabila nito, gaya ng pangako, sila'y iniligtas,
upang ipadama na ang Panginoo'y dakila't malakas.
9Nang ay natuyong bigla,
sila'y itinawid na ang dinaanan ay tuyo nang lupa.
10Sila'y iniligtas sa pagpapahirap ng mga kaaway,
iniligtas sila sa kapangyariha't lakas ng kalaban.
11Yaong nagsihabol, pawang nangalunod sa gitna ng dagat,
lahat sa kanila'y nilulon ng tubig, walang nakaligtas.
12Nang doon ay naghugis niyong gintong guya,
matapos mahugis ang ginawa nila'y kanilang sinamba.
20Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,
sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.
21Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas,
ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas.
22Sa lupaing iyon ang ginawa niya'y tunay na himala.
Sa Dagat na Pula yaong nasaksihan ay kahanga-hanga.
23Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka,
agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya,
at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila.
24AngBil. 14:1-35. lupang-pangarap na ipinangako'y kusang tinanggihan,
dahilan sa sila'y hindi naniwala sa pangakong tipan.
25Sa loob ng tolda ay nagrereklamo at puro pa angal,
at hindi nila pinakinggan tinig ni Yahweh, Diyos na banal.
26Sa ginawang iyon, nagalit ang Diyos, siya ay sumumpang
sila'y lilipulin, mamamatay sa gitna ng ilang.
27Sila'yLev. 26:33. ikakalat, dadalhin sa bansa niyong mga Hentil,
sa lugar na iyon, mamamatay sila sa pagkaalipin.
28Sila'yBil. 25:1-13. nakiisang sa Baal ng Beor ay doon sumamba,
ang mga pagkain na handog sa patay ang pagkain nila.
29Sa inasal nila'y nagalit si Yahweh, naging pasya'y ito:
Dinalhan ng peste, pawang nagkamatay ang maraming tao.
30Sa galit ni Finehas taong nagkasala ay kanyang pinatay,
kung kaya nahinto ang salot na iyon na nananalakay.
31Magmula nga noon, at magpakailanman, di malilimutan
ang ginawang ito'y di na malilimot nitong kanyang bayan.
32AtBil. 20:2-13. itong si Yahweh, kanilang ginalit sa Bukal Meriba,
nalagay sa gipit itong si Moises dahil sa kanila.
33Sa ginawa nila ay lubhang nasaktan ang kanyang damdamin,
dahas ng salitang nagmula sa bibig ay hindi napigil.
34DiHuk. 2:1-3; 3:5-6. nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,
bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.
35Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,
at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.
36Ang diyus-diyosan ang sinamba nila at pinaglingkuran,
sa ginawang ito, sila ang nagkamit ng kaparusahan.
37Pati2 Ha. 17:17. anak nilang babae't lalaki'y inihaing lubos,
sa diyus-diyosan, mga batang ito ay ginawang handog.
38AngBil. 35:33. pinatay nila'y mga batang musmos, batang walang malay
para ipanghandog sa diyus-diyosan ng lupang Canaan,
kaya't ang lupain sa ginawa nila'y pawang nadungisan.
39Ang sarili nila yaong nadungisan sa gayong ginawa,
sa Diyos na si Yahweh sila ay nagtaksil at pawang sumamâ.
40KayaHuk. 2:14-18. naman muli, si Yahweh'y nagalit sa mga hinirang,
siya ay nagdamdam sa ginawa nilang pawang kataksilan.
41Sa bansang kaaway itong bayan niya'y ipinaubaya,
sila ay nasakop at ang mga Hentil ay siyang namahala.
42Inalipin sila at pinahirapan ng mga kaaway,
pinasuko sila't ipinailalim sa kapangyarihan.
43Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,
naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.
44Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan,
dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan.
45Dinirinig sila at inaalaala kanyang kasunduan,
nahahabag siya dahilan sa wagas niyang pagmamahal.
46Maging ang sumakop sa mga hinirang ay nangahabag din,
sapagkat si Yahweh ang siyang nag-utos na iyon ang gawin.
47Iligtas1 Cro. 16:35-36. mo kami, O Yahweh, aming Diyos, Panginoon namin,
saanman naroon ang mga anak mo ay muling tipunin,
upang ang ngalan mo ay pasalamata't aming dakilain.
48Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,
purihin siya, ngayon at magpakailanman!
Ang lahat ng tao ay magsabing, “Amen!”
Purihin si Yahweh!
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.