Mga Awit 58 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin para Parusahan ng Diyos ang MasasamaKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain”. Isang Miktam.

1Tama ba ang hatol ng mga pinuno?

Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo?

2Hindi! Pagkat ang inyong binabalangkas

pawang karahasa't gawaing di tama.

3Iyang masasama sa mula't mula pa,

mula sa pagsilang ay sinungaling na.

4Sila'y makamandag, ahas ang kaparis,

katulad ay kobrang ang tainga ay may takip;

5itong mga tawak at salamangkero,

di niya dinirinig, hindi pansin ito.

6Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon,

alisin ang pangil niyong mga leon.

7Itapon mo silang katulad ng tubig,

sa daa'y duruging parang mga yagit.

8Parang mga susô, sa dumi magwakas,

batang di nabuhay sa sangmaliwanag.

9Puputulin silang hindi nila batid,

itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;

bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.

10Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap;

pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.

11Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan;

tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help