1-2Nang mamatay si Haring Astyages, ang humalili sa kanya ay si Haring Ciro ng Persia. Si Daniel ay malapit sa hari at higit na pinagkakatiwalaan nito kaysa iba niyang tagapayo.
3Ang na pinong harina, apatnapung tupa, at limampung galon ng alak.
4Naniniwala si Haring Ciro na talagang diyos si Bel at sumasamba siya rito araw-araw. Ngunit walang sinasamba si Daniel kundi ang kanyang Diyos.
5Kaya't isang araw, sinabi ng hari, “Daniel, bakit hindi mo sinasamba si Bel?” Sumagot si Daniel, “Sapagkat hindi po ako naniniwala sa mga diyus-diyosang gawa lamang ng tao; ang sinasamba ko po'y ang buháy na Diyos, ang lumalang ng langit at lupa at siyang Panginoon ng buong sangkatauhan.”
6Nagtanong muli ang hari, “Ang ibig mo bang sabihin ay hindi buháy na diyos si Bel? Hindi mo ba nakikita kung gaano karami ang kinakain niya't iniinom araw-araw?”
7Tumawa si Daniel at sumagot, “Huwag kayong palinlang, Kamahalan. Iyang si Bel ay putik lamang na binalot ng tanso. Wala siyang anumang kinakain o iniinom.”
8Nagalit ang hari at ipinatawag ang mga pari ni Bel at galit na sinabing, “Kapag hindi ninyo sinabi sa akin kung sino ang kumakain ng mga pagkaing ito, kayo'y mamamatay.
9Subalit kung mapatunayan naman ninyong si Bel nga ang kumakain nito, si Daniel ang mamamatay sapagkat sinabi niyang hindi diyos si Bel.”
At sinabi ni Daniel sa hari, “Mangyari ang inyong sinabi.”
10Pitumpu ang mga pari ni Bel, bukod pa sa kanilang mga asawa't anak. Pumasok sa templo ni Bel ang hari, kasama si Daniel.
11Sinabi ng mga pari sa hari, “Mahal na hari, kami po'y lalabas. Kayo na po ang maglagay ng pagkain at alak sa dambana ni Bel. Pagkatapos, isara ninyo ang pinto at tatakan ng inyong singsing.
12Pagbalik ninyo bukas ng umaga at makita ninyong hindi inubos ni Bel ang lahat ng ito, kami ang mamamatay. Ngunit kung inubos niya, si Daniel na nagbintang sa amin ng hindi totoo ang siyang mamamatay.”
13Matapang sila sa paghahamon nang gayon sapagkat sa ilalim ng hapag sa templo ay mayroon silang lihim na lagusan. Doon sila nagdaraan kung gabi at sila ang umuubos sa mga pagkaing dinadala roon araw-araw.
14Pagkaalis nga ng mga pari, inilagay ng hari ang mga handog na pagkain sa dambana ng diyus-diyosang si Bel. Inutusan naman ni Daniel ang kanyang mga alipin na magdala ng maraming abo. Ikinalat nila ito sa buong bulwagan ng templo. Ang hari lamang ang nakakita ng ginawa nila. Pagkalabas nila, isinara ang pinto at nilagyan ng tatak ng hari.
15Nang gabing iyon, tulad ng dati, pumunta sa templo ang mga pari, kasama ang kanilang mga asawa't anak. Dumaan sila sa lihim na lagusan at inubos ang lahat ng pagkain at alak na naroon.
16Kinaumagahan, maagang gumising ang hari at pumunta sa templo na kasama si Daniel.
17Pagdating sa templo ay itinanong ng hari, “Sira ba ang mga tatak, Daniel?”
Sumagot ito, “Hindi po, Kamahalan.”
18Nang mabuksan ang pinto, nakita ng hari ang walang lamang hapag at pasigaw siyang nagsabi, “Ikaw ay dakila, Bel! Tunay ngang diyos ka!”
19Natawa si Daniel at sinabi sa hari, “Bago po kayo pumasok ay tingnan po ninyo ang sahig, at kilalanin ang mga bakas na nariyan.”
20At sabi ng hari, “Abâ! Ito'y bakas ng paa ng mga lalaki't babae, at mga bata.”
21Gayon na lamang ang galit ng hari. Ipinadakip niya ang mga pari at mga pamilya nila. Wala silang nagawa kundi ituro ang mga lihim na lagusang dinaraanan nila upang kainin ang mga pagkaing nasa dambana ni Bel.
22Kaya't sila'y ipinapatay ng hari. Ibinigay nito si Bel kay Daniel at sinira ni Daniel ang diyus-diyosan, pagkatapos ay ipinagiba ang templo nito.
Pinatay ni Daniel ang Dragon23May isa ring dambuhalang dragon na sinasamba ng mga taga-Babilonia.
24Isang araw, sinabi ng hari kay Daniel, “Hindi mo maikakaila na ang diyos na ito'y buháy, kaya't sumamba ka sa kanya.”
25Sumagot si Daniel, “Sumasamba ako sa Panginoon na aking Diyos sapagkat siya ang Diyos na buháy.
26Kung ipahihintulot ninyo, mahal na hari, papatayin ko ang dragong ito nang walang tabak o pamalo.”
“Pinahihintulutan kita,” sabi ng hari.
27Kumuha si Daniel ng alkitran, taba, at mga buhok. Niluto niya ang mga ito, ginawang parang tinapay saka ipinakain sa dragon. Nang malulon ang pagkaing iyon, sumabog ang dragon. At sinabi ni Daniel sa hari, “Kamahalan, iyan po ang inyong sinasamba.”
28Nang mabalitaan ng mga taga-Babilonia ang nangyari, galit na galit silang nagbanta laban sa hari. “Ang hari ay naging Judio na,” sabi nila. “Sinira niya si Bel at ipinapatay ang mga pari; ngayon nama'y ipinapatay ang dragon!”
29Pinuntahan nila ang hari at sinabi, “Ibigay mo sa amin si Daniel, kung hindi, papatayin ka namin, pati na ang iyong sambahayan.”
30Nang makita ng hari na talagang gagawin nga ng mga tao ang kanilang banta, napilitan itong ibigay sa kanila si Daniel.
Iniligtas si Daniel sa Yungib ng mga Leon31Itinapon sa Babilonia, sa yungib ng mga leon.
37Tumawag ng malakas si Habakuk, “Daniel! Daniel! Narito ang pagkaing padala ng Diyos.”
38Sinabi ni Daniel, “O Diyos, ako'y hindi mo nilimot; hindi mo pinababayaan ang mga umiibig sa iyo.”
39Tumayo si Daniel at kumain. Si Habakuk naman ay agad ibinalik ng anghel sa kanyang tahanan.
40Pagkalipas ng pitong araw, pumunta ang hari sa yungib upang ipagluksa si Daniel. Sumilip siya sa yungib at nakita niya si Daniel na payapang nakaupo.
41Napasigaw ang hari, “Talagang dakila ka, Panginoong Diyos ni Daniel. Tunay na walang ibang Diyos maliban sa iyo!”
42Inilabas niya si Daniel sa yungib at ang itinapon ay ang mga taong nagtangka sa buhay nito. Kitang-kita ng hari na mabilis silang nilapa at kinain ng mga leon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.