Ecclesiastico 5 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Labis na Pagtitiwala sa Sarili

1Huwag kang manalig sa iyong kayamanan

at huwag mong sabihing, “Wala na akong kailangan.”

2Huwag kang padadala sa labis na hangarin,

na makamtan lamang ang gusto'y gagawin ang lahat.

3Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,

sapagkat darating ang panahong paparusahan ka ng Panginoon.

4HuwagManga. 8:11. mo ring sabihin, “Wala namang nangyari sa akin, matapos akong magkasala!”

Dahil ang Panginoon ay hindi madaling magalit.

5Huwag kang masanay sa paggawa ng kasalanan

dahil sa pag-asang lagi ka niyang patatawarin.

6Huwag mong sabihin, “Walang katapusan ang kanyang habag.

Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan.”

Sapagkat kung siya'y marunong maawa, marunong din siyang magalit,

at ang kanyang galit ay nakatuon sa mga makasalanan.

7Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;

huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya,

sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,

at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa.

8Huwag kang manalig sa kinamkam mong kayamanan,

sapagkat hindi mo ito papakinabangan sa araw ng kapighatian.

Katapatan at Pagpipigil sa Sarili

9Huwag mong basta-bastang pagbigyan ang lahat,

at huwag kang sumang-ayon sa bawat sabihin ninuman.

Ganyan ang gawa ng mga taong sinungaling.

10Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,

at panindigan mo ang iyong sinabi.

11Lagi kang manabik sa pakikinig,

at maging maingat ka sa pagsagot.

12Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;

ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.

13Ang pananalita'y maaaring ikarangal o ikapahiya;

ang dila ng isang tao'y maaaring ikapahamak niya.

14Huwag kang pabalitang isang tsismoso,

at huwag kang magkakalat ng balitang makakapinsala sa sinuman.

Kung paanong ang mga magnanakaw ay mapapahiya,

ang sinungaling naman ay kamumuhian.

15Pag-ingatan mong huwag magkulang sa malaki o maliit mang bagay,

at huwag kang maging kaaway sa halip ay manatiling isang kaibigan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help