Mga Awit 129 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin Laban sa mga Kaaway ng IsraelIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Ihayag mo, O Israel, ang ginawa ng kaaway,

sa simulang usigin ka, mula pa nang kabataan!

2“Simula pa noong bata, ako'y di na nilubayan,

mahigpit na pinag-usig, bagaman di nagtagumpay.

3Ako ay sinaktan nila, ang likod ko'y sinugatan,

mga sugat na malalim, parang bukid na binungkal.

4Ngunit ang Diyos na si Yahweh, palibhasa ay matuwid,

pinalaya niya ako at sa hirap ay inalis.”

5Nawa itong mga bansang laging namumuhi sa Zion,

sa labanan ay malupig, mapahiya't mapaurong!

6Matulad sa mga damong tumubo sa mga bubong,

natutuyong lahat ito, kahit ito'y bagong sibol,

7di na ito binibigkis at hindi na tinitipon.

8Kahit isang dumaraa'y di man lamang banggitin,

“Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay iyong tanggapin!

Sa pangalan ni Yahweh, pagpapala ay iyong tanggapin!”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help