Isaias 63 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Tagumpay ni Yahweh Laban sa mga Bansa

1“Sino ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,

at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.

Dalangin para sa Tulong ni Yahweh

15Magmula sa langit tunghayan mo kami, Yahweh,

at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.

Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?

Pag-ibig mo at kahabagan,

huwag kaming pagkaitan.

16Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,

ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;

tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.

17Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,

at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?

Balikan mo kami at iyong kaawaan,

mga lingkod mo na tanging iyo lamang.

18Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;

winasak nila ang iyong santuwaryo.

19Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;

ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help