1Galak na galak na umalis si Tobias. Matapos mamaalam, sinabi pa nito bago umalis, “Mabigyang-kasiyahan ko nawa kayo habang ako'y nabubuhay!” Umalis siya na pinupuri ang Panginoon ng langit at lupa, at Hari ng buong mundo, dahil sa matagumpay nilang paglalakbay. At kanya ring ipinangakong pararangalan ang mag-asawang Raguel at Edna habambuhay.
Ang Paglalakbay PauwiNaglakbay nga silang pabalik na kasama rin si Rafael. Nang malapit na sila sa Kaserin na katapat ng Nineve,
2sinabi ni Rafael, “Natatandaan mo ba ang kalagayan ng iyong ama noong tayo'y lumisan?
3Mabuti pa'y mauna na tayo para makapaghanda agad sa bahay. Hayaan mo nang mahuli ang iyong asawa at ang buong pangkat.”
4At nauna nga silang dalawa. Sa daa'y sinabi ni Rafael, “Tobias, dalhin mo ang apdo ng isda.” Lumakad silang kasunod ang aso ni Tobias.
5Samantala'y patuloy na nag-aabang si Ana sa lansangang daraanan ni Tobias.
6Nang makita niyang ito'y dumarating, pasigaw niyang tinawag si Tobit at sinabi, “Narito na si Tobias kasama ang lalaking pinasama mo.”
7Bago dumating ng bahay, sinabi ni Rafael kay Tobias, “Sigurado kong makakakitang muli ang iyong ama.
8Pagdating mo'y ipahid mo agad sa kanyang mga mata ang apdo ng isda. Aalisin nito ang katarata sa mata ng iyong ama at muli siyang makakakita.”
9Tumatakbong sinalubong ni Ana ang kanyang anak at niyakap ito nang mahigpit. Sinabi nito kay Tobias, “Maaari na akong mamatay, anak, ngayong muli kitang nakita.” At naiyak siya sa laki ng tuwa.
Nagbalik ang Paningin ni Tobit10Sa pananabik ni Tobit sa kanyang anak, nagmamadali itong lumabas, ngunit nadapa siya sa may tarangkahan ng bulwagan.
11Nilapitan ni Tobias ang kanyang ama, hawak ang apdo ng isda. Ibinangon niya ito at hinipan ang mga mata. “Lakasan ninyo ang inyong loob, Itay,” sabi niya.
12Agad
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
