Isaias 23 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Pahayag Laban sa Tiro at Sidon

1Ito ang inyong lupain na tulad ng Nilo,

sapagkat wala nang gagambala sa inyo.

11Ang parusa ni Yahweh ay abot hanggang sa ibayong dagat

at ibinagsak ang mga kaharian;

iniutos na niyang wasakin ang mga kuta sa Canaan.

12Ang sabi ni Yahweh,

“Lunsod ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw mo!

Kahit na pumunta ka sa Cyprus ay nanganganib ka pa rin.”

13Masdan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia,

ang bayang ito ay hindi Asiria,

at ang Tiro ay pinananahanan na ng mga ligaw na hayop.

Pinaligiran siya ng mga tore at mga kuta,

at winasak ang kanyang mga palasyo.

14Manangis kayo mga mangangalakal ng Tarsis,

sapagkat wasak na ang inyong inaasahan.

15Pitumpung taon na malilimot ang Tiro,

sintagal ng buhay ng isang hari.

Ngunit pagkatapos ng panahong iyon,

siya'y muling babangon at matutulad sa babaing binabanggit sa awit na ito:

16“Tugtugin mo ang iyong alpa,

babaing haliparot,

libutin mo ang lunsod;

galingan mo ang pagtugtog sa alpa,

umawit ka ng maraming awitin

upang ikaw ay muling balikan.”

17Pagkatapos ng pitumpung taon, muling lilingapin ni Yahweh ang lunsod ng Tiro. Manunumbalik ito sa dating pamumuhay at muling ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa daigdig.

18Ang kanilang tutubuin sa hanapbuhay ay hindi na nila iipunin. Sa halip, ito'y ihahandog nila kay Yahweh upang ibili ng pagkain at kasuotan ng mga taong sumasamba sa kanya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help