2 Samuel 9 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Kagandahang-loob ni David

1Minsa'y na anak ni Jonatan. Siya po'y isang lumpo,” tugon ni Ziba.

4“Saan siya naroon?” tanong muli ng hari.

“Nasa Lo-debar po, nakatira sa bahay ni Maquir na anak ni Amiel,” sagot ni Ziba.

5Ipinasundo agad ni David

6si Mefiboset, anak ni Jonatan at apo ni Saul. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang.

“Ikaw ba si Mefiboset?” tanong ng hari.

“Ako nga po, mahal na hari” sagot naman nito.

7Sinabi ni David, “Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.”

8Nagpatirapang muli si Mefiboset, at sinabi niya, “Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y walang silbi!”

9Tinawag ni David si Ziba at sa harapan niya'y sinabi, “Ibibigay ko sa apo ni Saul ang lahat ng ari-arian niya at ng kanyang sambahayan.

10Kayo ng iyong mga anak at mga alipin ang magbubungkal ng kanyang lupain. Aalagaan ninyong mabuti upang mag-ani nang sagana at magkaroon ng sapat na pagkain ang sambahayan ng iyong panginoon. Ngunit si Mefiboset ay sa akin sasalo ng pagkain.” Ang mga anak ni Ziba ay labinlima at dalawampu ang kanyang mga alipin.

11Sumagot si Ziba, “Masusunod pong lahat ang utos ninyo, Kamahalan.”

At mula noo'y kasalo na ni David si Mefiboset, parang tunay na anak niya.

12Si Mefiboset ay may bata pang anak na lalaki na ang pangala'y Mica. Mula nga noon, ang buong sambahayan ni Ziba ay naglingkod kay Mefiboset.

13Kaya't si Mefiboset na pilay ang parehong paa ay nanirahan sa Jerusalem, at kasalo ng hari sa pagkain.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help