1Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas,
tinalikuran ko't iniwan nang ganap;
ang mga gawain na magpapatanyag
iniwan ko na rin, di ko na hinangad.
2Mapayapa ako at nasisiyahan,
tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.
3Kaya mula ngayon, at magpakailanman,
si Yahweh lang Israel, ang dapat sandigan!
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
