1 Timoteo 2 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Mga Tagubilin tungkol sa Panalangin

1Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.

2Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

3Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.

4Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.

5Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

6Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon.

7Dahil sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help