Mateo 27 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Dinala si Jesus kay Pilato(Mc. 15:1; Lu. 23:1-2; Jn. 18:28-32)

1Kinaumagahan, nagpulong ang mga punong pari at mga pinuno ng bayan kung paano nilang maipapapatay si Jesus.

2Siya'y kanilang iginapos at dinala kay Pilato na gobernador.

Ang Pagkamatay ni Judas(Gw. 1:18-19)

3Nang

17Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila ni Pilato, “Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na tinatawag na ‘Cristo’?”

18Alam ni Pilato na naiinggit lamang sila kaya nila isinakdal si Jesus.

19Bukod dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa usapin ng taong iyan. Wala siyang kasalanan. Labis akong nahirapan dahil sa aking panaginip kagabi tungkol sa kanya.”

20Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay.

21Muli silang tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”

“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.

22Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?”

At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”

23“Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato.

Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa krus!”

24Nang ng taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.

25Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming mga anak ang dugo niya.”

26Pinalaya nga ni Pilato si Barabbas at ipinahagupit naman si Jesus. Pagkatapos, ibinigay siya sa kanila upang ipako sa krus.

Hinamak ng mga Kawal si Jesus(Mc. 15:16-20; Jn. 19:2-3)

27Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya.

28Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na pula.

29Kumuha sila ng matitinik na baging, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-luhuran nila at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

30Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo at ito'y inihampas sa kanyang ulo.

31Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit. Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

Ipinako sa Krus si Jesus(Mc. 15:21-32; Lu. 23:26-43; Jn. 19:17-27)

32Paglabas ng lungsod, nakita ng mga sundalo si Simon na taga-Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus.

33Dumating sila sa lugar na tinatawag na Golgotha, na ang kahulugan ay “Pook ng Bungo.”

34Binigyan Sinabi nila,

42“Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya mailigtas ang sarili! Di ba siya ang Hari ng Israel? Bumabâ lang siya ngayon sa krus ay maniniwala na kami sa kanya!

43NananaligAwit 22:8; Kar. 2:18-20. siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Tingnan natin kung ililigtas siya ng Diyos!”

44Nilait din siya ng mga magnanakaw na ipinakong kasama niya.

Ang Pagkamatay ni Jesus(Mc. 15:33-41; Lu. 23:44-49; Jn. 19:28-30)

45Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.

46NangAwit 22:1. mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

47Ito'y narinig ng ilan sa mga nakatayo roon kaya't sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias!”

48MayAwit 69:21. isang tumakbo kaagad at kumuha ng espongha, binasâ ito ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus.

49Sinabi naman ng iba, “Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!”

50Muling sumigaw si Jesus nang malakas at siya'y nalagutan ng hininga.

51BiglangExo. 26:31-33. nahati ang tabing ng Templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa at nabiyak ang mga bato.

52Nabuksan ang mga libingan at muling nabuhay ang maraming banal na namatay.

53Lumabas sila ng libingan, at pagkatapos na muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa banal na lungsod at doo'y marami ang nakakita sa kanila.

54Nasindak ang opisyal at ang mga kawal na nagbabantay kay Jesus nang maramdaman nila ang lindol at masaksihan ang lahat ng nangyari. Sabi nila, “Tunay na siya'y Anak ng Diyos!”

55NaroonLu. 8:2-3. din ang maraming mga babaing nakatanaw mula sa malayo. Sila'y sumunod kay Jesus mula pa sa Galilea, at naglingkod sa kanya.

56Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang asawa ni Zebedeo.

Ang Paglilibing kay Jesus(Mc. 15:42-47; Lu. 23:50-56; Jn. 19:38-42)

57Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din ni Jesus.

58Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Jesus, kaya't iniutos ni Pilato na ibigay ito kay Jose.

59Nang makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng lino.

60Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan ang isang malaking batong panakip, at saka umalis.

61Naroon sina Maria Magdalena at ang isa pang Maria na nakaupo sa tapat ng libingan.

Ang mga Bantay sa Libingan

62Kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, sama-samang nagpunta kay Pilato ang mga punong pari at ang mga Pariseo.

63SinabiMt. 16:21; 17:23; 20:19; Mc. 8:31; 9:31; 10:33-34; Lu. 9:22; 18:31-33. nila, “Naalala po namin na sinabi ng mapagpanggap na iyon noong siya'y nabubuhay pa, na siya'y muling mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.

64Kaya pabantayan po sana ninyong mabuti ang libingan hanggang sa ikatlong araw. Baka pumunta doon ang kanyang mga alagad at kunin ang bangkay at pagkatapos ay ipamalitang siya'y muling nabuhay. Ang pandarayang ito ay magiging masahol pa kaysa una.”

65Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kumuha kayo ng mga kawal at pabantayan ninyong mabuti ang libingan.”

66Kaya pumunta nga sila roon at tiniyak na hindi mabubuksan ang libingan, nilagyan ng tatak ang batong panakip sa libingan, at pinabantayan ito sa kawal.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help