Mateo 26 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Balak Laban kay Jesus(Mc. 14:1-2; Lu. 22:1-2; Jn. 11:45-53)

1Matapos ituro ni Jesus ang lahat ng ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad,

2“Gaya ay nagkakatipon noon sa palasyo ng pinakapunong pari na si Caifas.

4Binalak nilang ipadakip si Jesus nang lihim at ipapatay.

5Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang mga tao.”

Binuhusan ng Pabango si Jesus(Mc. 14:3-9; Jn. 12:1-8)

6Noong nasa Bethania si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin,

7lumapit

21Sinabi ni Jesus habang sila'y kumakain, “Tinitiyak ko sa inyo, ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo!”

22Nanlumo ang mga alagad, at isa-isang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba, Panginoon?”

23Sumagot ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.

29Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

30At pagkaawit ng isang himno, sila'y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Paunang Sinabi ang Pagkakaila ni Pedro(Mc. 14:27-31; Lu. 22:31-34; Jn. 13:36-38)

31Sinabi At siya'y nilapitan nila at dinakip.

51Bumunot ng tabak ang isa sa mga kasama ni Jesus at tinaga ang utusan ng pinakapunong pari, at natagpas ang tainga niyon.

52Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan! Ang nabubuhay sa tabak ay sa tabak mamamatay.

53Hindi mo ba alam na kung hihingi ako ng tulong sa aking Ama ay papadalhan agad niya ako ng higit sa labindalawang batalyon ng mga anghel?

54Ngunit paano matutupad ang mga Kasulatan na nagsasabing ito'y dapat mangyari?”

55PagkataposLu. 19:47; 21:37. sinabi niya sa mga tao, “Ako ba'y tulisan at naparito kayong may mga tabak at pamalo upang ako'y dakpin? Araw-araw, nakaupo akong nagtuturo sa Templo, ngunit hindi ninyo ako dinakip.

56Ngunit nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta.”

Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa.

Si Jesus sa Harap ng Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio(Mc. 14:53-65; Lu. 22:54-55, 63-71; Jn. 18:13-14, 19-24)

57Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ni Caifas, ang pinakapunong pari; doon nagkakatipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga pinuno ng bayan.

58Sumunod si Pedro, ngunit hindi gaanong lumalapit. Pagdating sa tahanan ng pinakapunong pari, pumasok siya sa bakuran at naupo sa patyo kasama ng mga bantay. Nais niyang makita kung ano ang mangyayari.

59Samantala, ang mga punong pari at ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio ay naghahanap ng maling paratang laban kay Jesus upang siya'y maipapatay,

60ngunit wala silang nakita kahit na maraming humarap na sinungaling na saksi laban sa kanya. Sa wakas, may dalawang humarap

61atJn. 2:19. nagsabi, “Sinabi ng taong ito na kaya daw niyang gibain ang Templo ng Diyos at muli itong itayo sa loob ng tatlong araw.”

62Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi kay Jesus, “Wala ka bang isasagot sa paratang na ito laban sa iyo?”

63Ngunit hindi umimik si Jesus. Kaya't sinabi sa kanya ng pinakapunong pari, “Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos.”

64SumagotDan. 7:13. si Jesus, “Kayo na ang nagsabi. At sinasabi ko sa inyo, di na magtatagal at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos at dumarating na nasa alapaap!”

65PagkarinigLev. 24:16. nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at sinabi, “Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan!

66Ano ang pasya ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay!”

67DinuraanIsa. 50:6. nila si Jesus sa mukha at pinagsusuntok. Pinagsasampal naman siya ng iba,

68at kinutya, “Hoy, Cristo, hulaan mo nga kung sino ang sumampal sa iyo!”

Ikinaila ni Pedro si Jesus(Mc. 14:66-72; Lu. 22:56-62; Jn. 18:15-18, 25-27)

69Samantala, si Pedro ay nakaupo noon sa patyo. Nilapitan siya ng isang utusang babae at sinabi sa kanya, “Kasamahan ka rin ni Jesus na taga-Galilea, hindi ba?”

70Ngunit nagkaila si Pedro sa harap ng lahat. “Wala akong nalalaman sa sinasabi mo,” sagot niya.

71Pumunta siya sa may pintuan at nakita siya ng isa pang utusang babae. Sinabi nito sa mga naroon, “Ang taong ito'y kasamahan ni Jesus na taga-Nazaret.”

72Muling nagkaila si Pedro, “Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!”

73Makalipas ang ilang sandali, lumapit kay Pedro ang mga naroon. Sabi nila, “Isa ka nga sa mga tauhan niya. Nahahalata ka sa punto ng iyong pagsasalita.”

74Sumagot si Pedro, “Parusahan nawa ako ng Diyos kung nagsisinungaling ako! Hindi ko kilala ang taong iyan.” Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok.

75Naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.” Lumabas siya at tumangis nang buong kapaitan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help