1Kayong ng Panginoon ay laganap sa buong sanlibutan,
at siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay,
kaya alam niya ang bawat katagang sinasalita ng bawat nilalang.
8Walang makakapagsabi ng di matuwid na di mapapansin ng Panginoon.
Batay sa katarungan, lalapatan ito ng angkop na parusa.
9Ang mga binabalak ng mga walang takot sa Diyos ay isa-isang sisiyasatin.
Ang bawat sinasabi nila'y makakarating sa kaalaman ng Panginoon,
at tatanggap sila ng parusang angkop sa kanilang masasamang gawa.
10Hindi ipahihintulot ng Diyos na may lumaban sa kanya.
At dahil naririnig niya ang lahat, hindi ninyo maililihim ang inyong mga paghihimagsik.
11Kaya huwag kayong reklamo nang reklamo;
walang kabutihang maidudulot iyan.
Iwasan ninyo ang mga usapang udyok ng hinanakit.
Ang mga sinabi ninyo nang palihim ay tiyak na magbubunga,
At ang pagsisinungaling ay kapahamakan ng kaluluwa.
Ang Kamatayan ay Hindi Likha ng Diyos12Huwag ninyong hanapin ang inyong kamatayan sa pamamagitan ng masasamang gawa;
huwag kayong pumasok sa kapahamakan na kayo na rin ang may kagagawan.
13AngEze. 18:32; 33:11; 2 Ped. 3:9. kamatayan ay hindi gawa ng Diyos.
Hindi siya nalulugod sa pagkamatay ng alinmang may buhay.
14Ginawa niya ang bawat nilalang upang magpatuloy,
at lahat ng nilalang niya ay mabuti at mahusay.
Wala silang kamandag na nakamamatay.
Ang kamatayan ay di naghahari sa daigdig na ito,
15sapagkat ang katarungan ng Diyos ay walang kamatayan.
16NgunitKaw. 8:36; Isa. 28:15; Ecc. 14:12. ang masasama ay naghahanap ng kamatayan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa;
kinaibigan nila ang kamatayan at nakipagtipan dito,
sapagkat iyon ang nararapat nilang kasama.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
