Mga Awit 61 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin Upang Ingatan ng DiyosKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.

1Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin;

inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!

2Tumatawag ako dahilan sa lumbay,

sapagkat malayo ako sa tahanan.

Iligtas mo ako, ako ay ingatan,

3pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan,

matibay na muog laban sa kaaway.

4Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay;

sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)

5Lahat kong pangako, O Diyos, iyong alam

at abâ mong lingkod, tunay na binigyan ng mga pamana na iyong inilaan sa nagpaparangal sa iyong pangalan.

6Ang buhay ng hari sana'y pahabain;

bayaang ang buhay niya'y patagalin!

7Paghahari niya sa iyong harapan, sana'y magpatuloy habang nabubuhay;

kaya naman siya ay iyong lukuban ng iyong pag-ibig na walang kapantay.

8At kung magkagayon, kita'y aawitan,

ako'y maghahandog sa iyo araw-araw.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help