Ecclesiastico 3 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Tungkulin sa Magulang

1Mga anak, ako'y inyong ama, kaya makinig kayo.

Gawin ninyo ito, at di kayo mapapahamak.

2Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,

at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.

3Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,

4at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.

5Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,

at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.

6Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang—

siya na sumusunod sa Panginoon.

7Ang may paggalang sa Panginoong Diyos ay gumagalang sa kanyang mga magulang,

at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na parang panginoon niya.

8Igalang

18-19Habang

20Sapagkat kahanga-hanga ang kapangyarihan ng Panginoon

at dinadakila siya ng mga nagpapakumbaba.

21Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan,

huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.

22Sundin

26Ang matigas ang ulo'y daranas ng pasakit sa bandang huli;

ang mahilig sa panganib ay ipapahamak nito.

27Ang matigas ang ulo'y laging nasusubo sa ligalig;

ang nawili na sa kasalana'y palaging magkakasala.

28Walang katapusan ang kapighatian ng palalo;

nag-ugat na ang kasamaan sa kanyang puso.

29Pinahahalagahan ng matalino ang mga talinghaga;

nakikinig ang marunong pagkat nais niyang matuto.

Ang Pagtulong sa Maralita

30Kung ang tubig ay pumapatay ng apoy,

ang pagkakawanggawa ay pumapawi ng kasalanan.

31Ang gumagawa ng mabuti sa kapwa ay naghahanda para sa kinabukasan,

sapagkat kapag siya naman ang nagipit, mayroon siyang masasandalan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help