1Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong,
at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.
Ang Anyong Panlabas2Huwag mong dadakilain ang isang tao dahil lamang sa kanyang magandang kaanyuan,
at huwag mo namang hahamakin ang sinuman dahil sa kanyang kapangitan.
3Ang pukyutan ay isa sa pinakamaliit na hayop na lumilipad,
ngunit ang kanyang pulot ay pinakamasarap.
4Huwag mong ipagmarangya ang magara mong kasuotan,
at huwag kang magmamataas sa panahong ikaw ay pinaparangalan;
sapagkat kahanga-hanga ang pamamaraan ng Panginoon,
at lingid sa mga tao ang kanyang mga gawa.
5Maraming hari ang napilitang maupo sa lupa,
at may naging hari naman na di sukat akalain.
6May mga pinunong nawalan ng kapangyarihan,
at may mga tanyag na tao ang nahulog sa kapangyarihan ng iba.
Ang Pag-iingat7Magsuri ka muna bago ka humatol,
at isipin mo muna bago ka magmatuwid.
8Makinig ka muna bago ka sumagot,
at huwag kang sumabad hangga't hindi natatapos ang nagsasalita.
9Huwag kang makipagtalo tungkol sa mga bagay na wala ka namang kinalaman,
at huwag kang makikialam sa pagpapasya ng mga makasalanan.
10Anak, huwag mong pakaramihan ang iyong mga panukala,
kapag napakarami ng iyong saklaw, hindi mo makakayanan;
kung naghahabol ka, hindi ka aabot,
at kung ikaw ang hinahabol, hindi ka makakatakas.
11May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos,
patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.
12Mayroon namang bahagya nang makagulapay,
babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,
ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,
naging matiwasay ang kanyang buhay.
13Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay,
at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.
14-16Kung minsa'y masarap, kung minsa'y masaklap ang padala ng Panginoon:
ang kabiguan at tagumpay, ang kayamanan at karukhaan,
ang buhay at kamatayan ay sa kanya nagmumula.
17Mananatili sa banal ang kaloob ng Panginoon,
at ang pagpapala niya'y nagdudulot ng patuloy na tagumpay.
18MaaaringMag-ingat sa Pagpili ng Kaibigan
29Piliin mo ang taong isasama mo sa iyong tahanan,
sapagkat lubhang marami ang pamamaraan ng manlilinlang.
30Ang palalo ay parang ibong bihag na ipinapain,
parang espiya na nag-aabang ng iyong pagbagsak.
31Binabaluktot niya ang kahulugan ng mga bagay,
pinasasama ang mabuti at binibigyang-sala ang walang kasalanan.
32Sa isang tilamsik ng apoy nagmumula ang siga;
ang makasalanang may masamang hangarin ay humahantong sa pagdanak ng dugo.
33Mag-ingat ka sa taong masama at sa kanyang mga pakana,
baka ikaw ay ipahamak niya magpakailanman.
34Kapag kumupkop ka sa iyong tahanan ng taong di mo kaanu-ano,
magugulo ang iyong sambahayan, at lalayuan ka ng mga kadugo mo.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
