Ang Karunungan ni Solomon 10 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Iningatan ng Karunungan si Adan

1Karunungan

at pinasagana ang kanyang pamumuhay.

11Nang siya'y dinadaya at ibig agawan ng kabuhayan,

tinulungan muli siya ng Karunungan;

at sa bandang huli, siya rin ang yumaman.

12Iningatan siya ng Karunungan laban sa kanyang mga kaaway,

at iniligtas sa mga tumatambang sa kanya.

Pinagtagumpay siya sa isang mahigpit na paligsahan,

upang ipakilala sa kanya na ang pagiging maka-Diyos, ang tanging makakatulong sa tao.

Iningatan ng Karunungan si Jose

13MayGen. 37:12-36; 39:1-23; 41:37-44. isang taong matuwid na ipinagbiling alipin;

ngunit di siya pinabayaan ng Karunungan.

Inilayo siya nito sa pagkakasala at sinamahan hanggang sa bilangguan.

14Kahit nang siya'y gapos ng tanikala, hindi rin siya hiniwalayan ng Karunungan.

Ang pamamahala ng buong kaharian ay ibinigay sa kanya,

at ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang mga dating umuusig sa kanya.

Napabulaanan ang mga paratang sa kanya,

at nagkamit siya ng karangalang walang hanggan.

Pinalaya ng Karunungan ang mga Israelita

15AngExo. 1:1–15:21. Karunungan din ang nagpalaya sa isang lahing walang sala at malapit sa Diyos.

Hinango sila sa bansang umalipin sa kanila.

16Pumasok ang Karunungan sa diwa ng isang lingkod ng Panginoon.

Kaya't hinarap nito ang mababagsik na hari sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan.

17Ginantimpalaan niya ang paghihirap ng bayang pinili,

at pinatnubayan sa isang kagila-gilalas na paglalakbay.

Nililiman niya sila kung araw at tinanglawan kung gabi.

18Pinangunahan niya sila sa pagtawid

sa malalim na tubig ng Dagat na Pula.

19Ngunit nilunod niya ang kanilang mga kaaway

at ibinulusok sa pusod ng dagat.

20Kaya sinamsaman ng mga banal ang masasama,

at umawit po sila ng parangal sa banal mong pangalan, O Panginoon.

Pinuri nila ang iyong makapangyarihang kamay.

21Binuksan ng Karunungan ang bibig ng mga pipi,

at maging ang mga sanggol ay matatas na nakapagsalita.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help