Mga Awit 43 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin ng Isang Dinalang-bihag(Karugtong ng Awit 42)

1Hatulan mong ako'y walang kasalanan, Panginoon,

at laban sa masasama, ako'y iyong ipagtanggol;

sa masama't sinungaling, ilayo mo ako ngayon!

2Diyos na aking sanggalang, bakit mo ako iniwan?

Bakit ako nagdurusa sa pahirap ng kaaway?

3Ang totoo't ang liwanag, buhat sa iyo ay pakamtan,

upang sa Zion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal

sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

4Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,

yamang galak at ligaya ang sa aki'y iyong dulot;

sa saliw ng aking alpa'y magpupuri akong lubos,

buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!

5Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis?

Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig.

Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas,

itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help