Mga Awit 121 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Si Yahweh ang Ating TagapagtanggolIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.

1Do'n sa mga burol, ako'y napatingin—

sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

2Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula,

sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

3Di niya ako hahayaang mabuwal,

siya'y di matutulog, ako'y babantayan.

4Ang tagapagtanggol ng bayang Israel,

hindi natutulog at palaging gising!

5Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat,

laging nasa piling, upang magsanggalang.

6Di ka maaano sa init ng araw,

kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.

7Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat,

sa mga panganib, ika'y ililigtas.

8Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat

saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help