1 Macabeo 6 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Pagkamatay ni Haring Antioco IV(2 Mcb. 1:11-17; 9:1-29; 10:9-11)

1Minsa'y naglalakbay ang Haring Antioco IV sa mga lalawigan sa loob ng bansa. Nabalitaan niya na ang Elymas sa Persia ay kilala dahil sa dami ng pilak at ginto.

2Ang templo nito ay napakayaman at may mga gintong helmet, kasuotang bakal, at mga sandata. Ang mga ito ay iniwan doon ni Alejandrong anak ni Haring Felipe ng Macedonia, ang kauna-unahang hari sa Grecia.

3Sa paghahangad ni Antiocong matamo ang mga kayamanang ito, binalak niyang lusubin ang lunsod. Ang balak na ito ay umabot sa kaalaman ng mga tagaroon. Nabigo ang kanyang plano,

4sapagkat nilabanan siya ng mga tagaroon. Malungkot siyang umatras at nagbalik sa Babilonia.

5Nasa Persia ang Haring Antioco nang may magbalita sa kanya na nasindak at umatras ang mga hukbong pinasalakay sa Judea.

6Nabalitaan din niya na si Lisias at ang malaking hukbo nito ay napaatras din ng mga Israelita. Kaya't ang mga Israelita'y bantog na sa lakas dahil sa nabihag nilang mga tauhan at kagamitan ng mga hukbong kanilang nalupig.

7Umabot at marami sa amin ang pinatay saka inagawan ng ari-arian.

25Hindi lamang kami ang pinag-initan nila, kundi lahat ng mga kalapit nilang lupain.

26Pati ang muog ng Jerusalem ay kinubkob nila para sakupin. Maging ang Templo at ang Beth-sur ay nilagyan nila ng kuta.

27Kapag hindi ito napigil, higit diyan ang kanilang gagawin, at hindi na ninyo sila mapipigil.”

28Nang marinig ito ng hari, nagalit siya. Tinawag niyang lahat ang kanyang mga kaibigan, ang mga pinuno ng hukbo at lahat ng pinuno ng mangangabayo.

29Kumuha pa siya ng mga upahang kawal mula sa mga bansang Griego.

30Nakabuo siya ng napakalakas na hukbo na binubuo ng 100,000 hukbong-lakad, 20,000 hukbong nakakabayo, at 32 sinanay na mga elepante.

31Lumabas sila at tumawid sa lupain ng Edom at nagkampo sa tapat ng Beth-sur. Gumawa sila ng mga sandatang panalakay. Pagkatapos, sinalakay nila ang Beth-sur. Maraming araw nila itong nilusob, ngunit ubos-lakas na nagtanggol ang mga Judio; lumabas ang mga ito at sinunog ang mga kagamitang panalakay ng hari.

32Iniwan ni Judas ang muog at nagkampo sa Beth-Zacarias para hadlangan ang hukbo ng hari.

33Hindi ito nalingid sa kaalaman ng hari, kaya't maaga siyang bumangon para ihanda ang kanyang hukbo sa daang patungo sa Beth-Zacarias. Ang mga tambuli'y hinipan habang naghahanda ang mga hukbo sa napipintong labanan.

34Ipinakita nila sa mga elepante ang katas ng ubas at iba pang alak para magalit ang mga ito, at inihanda sila sa paglaban.

35Isang elepante ang itinalaga sa bawat isang libong kawal na pawang sandatahan at may mga kasuotang bakal. Sa bawat pangkat, 500 nakakabayo naman ang isinama.

36Ang mga ito ay itinalaga sa elepante upang mangalaga dito at sundan ito saanman pumunta.

37Sa likod ng bawat elepante ay nagtayo sila ng isang toreng bantayan. Ito'y yari sa kahoy at nakatali para hindi maalis. Tatlong kawal ang nakasakay dito, bukod pa sa rumirenda rito.

38Ang mga mangangabayo ay nakaagapay sa magkabilang panig ng hukbo upang sila'y mapangalagaan ng mga kasamahan habang sinasagupa ang kaaway.

39Kung masinagan ng araw ang mga ginto at tansong kasuotan, ang kinang ng mga ito ay parang nagniningas na mga sulo sa kabundukan.

40Sa kahabaan ng hanay ng hukbo, ito'y umaabot mula sa kaburulan hanggang sa kapatagan, ngunit ito'y maayos na lumalakad.

41Sa lakas ng hukbong ito, lahat ng makarinig sa ingay at kalansing ng sandata ng mga kawal habang nagmamartsa ay nanginginig sa takot.

42Hinarap ng hukbo ni Judas ang mga kaaway at 600 agad sa kawal ng hari ang nasawi.

43Ang pinakamalaking elepante na tinatawag ding Avaran ay nakita ni Eleazar. Palibhasa'y nababalutan itong mabuti, inisip niyang dito nakasakay ang hari.

44Ipinasya niyang ialay ang sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kababayan at upang siya'y mabantog.

45Kaya't sumugod siya at lahat ng maraanan niya sa kaliwa't kanan ay kanyang pinapaslang.

46Pagsapit niya sa elepante, nagtuloy siya sa ilalim nito upang saksakin ang tiyan ng hayop. Nabagsakan siya nito at kapwa sila namatay.

47Nang makita ng mga Israelita ang lakas ng hukbo ng hari at handang makipagdigma nang husto, umatras sila.

48Isang pangkat ng hukbo ng hari ang tumuloy sa Jerusalem upang sila'y salakayin. Ang hari ay humimpil sa Judea at sa Bundok ng Zion.

49Nakipagkasundo siya sa mga taga-Beth-sur na noo'y umalis sa lunsod sapagkat naubusan na ng pagkain. Noon ay taon ng pamamahinga ng mga bukirin.

50Sinakop ng hari ang Beth-sur at naglagay siya doon ng mga kawal upang magbantay.

51Matagal nilang pinalibutan upang sakupin ang Templo. Nagtayo sila ng mga kuta at lumusob na may iba't ibang sandatang pandigma tulad ng kasangkapang panghagis ng apoy, bato, at mga pana.

52Gumanti ang mga Judio na may mahuhusay ding kagamitang pandigma. Matagal silang lumaban.

53Ngunit kinapos ang mga Israelita ng pagkain. Noon ay taon ng pamamahinga ng mga bukirin at ubos na ang pagkain sa bodega sapagkat kasama rin sa pagkain ang mga Judiong dinala sa Judea pagkatapos na iniligtas sa mga Hentil.

54Madalang na ang tao sa Templo. Nagkawatak-watak ang marami at ang iba nama'y nagsiuwi na dahil sa gutom.

55Samantala, si Felipe na pinagkatiwalaan ng Haring Antioco na magturo sa kanyang anak at ito'y ihanda sa pagiging hari,

56ay dumating mula sa Persia at Media, kasama ang hukbo ng namatay na hari. Balak niyang agawin ang pamahalaan.

57Nabalitaan ito ni Lisias, kaya sinabi niya sa hari, sa mga pinuno at sa buong hukbo, “Umuwi na tayo. Nadarama kong humihina tayo araw-araw. Kakaunti na ang ating pagkain. Malakas ang ating sinasakop. Mabuti pa'y ang ating kaharian na lamang ang pangalagaan natin.

58Makipagkasundo na tayo sa mga taong ito.

59Pabayaan na natin silang sumunod sa kanilang mga kautusan at kaugalian, tulad noong araw. Nagagalit sila sapagkat ipinagbawal natin ang pinaniniwalaan nilang mga utos ng Diyos.”

60Ang mungkahing ito'y sinang-ayunan ng hari at ng mga pinuno. Nagpahatid sila ng alok na makipagkasundo sa mga Judio at pumayag naman ang mga ito.

61Nang maisaayos ang kasunduan, lumabas ang mga Judio sa kanilang mga kuta.

62Ngunit natuklasan ng hari nang siya ay pumasok dito na malakas ang tanggulan ng Bundok ng Zion. Sinira niya ang kanyang pangakong sinumpaan at ipinawasak ang pader na nakapaligid dito.

63Pagkatapos, nagdudumali siyang bumalik sa Antioquia na noo'y hawak na ni Felipe. Sinalakay niya ito, at makaraan ang mahigpit na labanan, naagaw niya ang lunsod.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help