Mga Awit 13 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin Upang Tulungan ng DiyosKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin?

Gaano katagal kang magtatago sa akin?

2Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin

at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin?

Kaaway ko'y hanggang kailan magwawagi sa akin?

3Yahweh, aking Diyos, tingnan mo ako at sagutin,

huwag hayaang mamatay, lakas ko'y panumbalikin.

4Baka sabihin ng kaaway ko na ako'y kanilang natalo,

at sila'y magyabang dahil sa pagbagsak ko.

5Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas,

magagalak ako dahil ako'y ililigtas.

6O Yahweh, ika'y aking aawitan,

dahil sa iyong masaganang kabutihan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help