Mga Awit 140 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin Upang Ingatan ng DiyosIsang Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1Sa mga masama ako ay iligtas,

iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;

2sila'y nagpaplano at kanilang hangad

palaging mag-away, magkagulo lahat.

3Mabagsik

4Sa mga masama ako ay iligtas;

iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas,

na ang nilalayon ako ay ibagsak.

5Taong mga hambog, ang gusto sa akin,

ako ay masilo, sa bitag hulihin,

sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)

6Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.”

Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog.

7Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas,

nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat.

8Taong masasama, sa kanilang hangad

ay iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah)

9Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin,

pagdusahin sila sa banta sa akin.

10Bagsakan mo sila ng apoy na baga,

itapon sa hukay nang di makaalsa.

11At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa;

ang marahas nama'y bayaang mapuksa.

12Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang,

at pananatilihin ang katarungan.

13Ang mga matuwid magpupuring tunay,

ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help