Mateo 14 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(Mc. 6:14-29; Lu. 9:7-9)

1Ang balita tungkol kay Jesus ay nakarating kay Herodes na gobernador ng Galilea,

2kaya't nasabi niya sa kanyang mga lingkod, “Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siya'y muling nabuhay kaya't nakakagawa ng mga himala!”

3Itong siya'y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya.

31Agad siyang hinawakan ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro.

32Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin

33at sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret(Mc. 6:53-56)

34Tumawid sila ng lawa at dumating sila sa baybayin ng Genesaret.

35Si Jesus ay nakilala ng mga tagaroon at agad nilang ipinamalita ang kanyang pagdating, kaya't dinala ng mga tao ang lahat ng maysakit sa buong lupaing iyon.

36Hiniling nila kay Jesus na mahawakan man lamang ng mga maysakit ang laylayan ng kanyang damit; at ang lahat ng gumawa nito ay nagsigaling.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help