Ecclesiastico 10 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

1Tinuturuan ng mabuting punong-bayan ang kanyang nasasakupan,

at binibigyan sila ng matatag at maayos na pamamahala.

2Kung anong uri ng pangulo ay gayundin ang mga kagawad,

at kung ano ang pinuno ng lunsod, gayundin ang mamamayan.

3Mawawasak ang buong bansa kapag ang hari ay isang mangmang,

ngunit uunlad ang bayan kung may pang-unawa ang mga pinuno ng lunsod.

4Ang pamamahala sa daigdig ay nasa kamay ng Panginoon,

at siya ang nagpapadala ng mabubuting tagapamuno pagdating ng takdang panahon.

5Nasa Panginoon din ang tagumpay ng bawat tao,

at siya ang nagpaparangal sa mga gumagawa ng batas.

Ang Kapalaluan

6Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa tuwing magkakasala ang iyong kapwa sa iyo,

at huwag kang gagawa ng anuman dahil sa simbuyo ng damdamin.

7Ang kapalaluan ay kinasusuklaman ng Panginoon at ng tao,

kapwa rin sila napopoot sa pang-aapi.

8Dahil sa kasakiman, kapalaluan at pang-aapi bumabagsak ang mga bansa;

palit-palit lamang sila sa pananakop sa iba.

9Ano ang maipagmamalaki mo, O tao? Ikaw ay nagmula lamang sa alabok,

at buháy ka pa'y maaari ka nang mabulok.

10Mabibigo ang galing ng manggagamot sa mahabang karamdaman;

ang hari na ngayo'y buháy, bukas ay maaaring tanghaling bangkay.

11Pagkamatay ng tao, wala nang matitira sa kanya

kundi mga uod, mga bangaw at mga hayop na gumagapang.

12Ang kapalaluan ng tao ay nagsisimula sa pagtalikod sa Panginoon,

at sa paghihimagsik laban sa lumikha sa kanya.

13Sapagkat ang simula ng kapalaluan ay kasalanan,

ang nananatiling palalo ay nakakagawa ng maraming kasamaan,

kaya't katakut-takot na parusa ang ipadadala sa kanila ng Panginoon,

hanggang sa sila'y tuluyang malipol.

14Inaalis

22Ang mayaman at maharlika, gayundin ang maralita—

wala silang maipagmamalaki kundi ang takot sa Panginoon.

23Hindi dapat dustain ang matalinong tao bagama't mahirap

at di naman dapat parangalan ang masamang tao.

24Ang mga hari, mga hukom, at mga nasa kapangyarihan ay dapat parangalan,

ngunit higit na dakila sa kanila ang isang taong may paggalang sa Panginoon.

25Ang aliping matalino ay maaaring pagsilbihan ng malaya,

at ito'y hindi daramdamin ng nakakaunawa.

Ang Kababaang-loob at Pagpapahalaga sa Sarili

26Huwag mong ipagmarangya ang iyong karunungan sa pagtupad mo ng iyong tungkulin,

at huwag ka namang magmamataas sa panahong ikaw ay kinakailangan.

27Higit na mabuti ang manggagawang nananagana,

kaysa hambog na pagala-gala ngunit wala namang makain.

28Anak ko, hanapin mo ang iyong karangalan nang may kababaan ng loob,

at pahalagahan mo ang sarili nang ayon sa nararapat.

29Sapagkat sino ang gagalang sa taong walang paggalang sa sarili,

at sinong magpapahalaga sa taong hindi nagpapahalaga sa sariling buhay.

30Ang mayaman ay iginagalang dahil sa kanyang kayamanan,

at ang maralita ay maaari ding igalang dahil sa kanyang katalinuhan.

31Kung ang isang tao'y pinaparangalan sa kabila ng kanyang karukhaan,

gaano pa kaya kung siya'y naging mayaman.

At kung ang isang tao'y hinahamak sa kabila ng kanyang kayamanan,

gaano pa kaya kung siya'y maging mahirap!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help