Ester (Griego) 8 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

37 “Bawat lalawigan ay padadalhan ng kopya nito at ipahahayag sa lahat ng tao para makapaghanda ang mga Judio sa araw na iyon laban sa kanilang mga kaaway.”

38 Kaya, ang mga tagahatid-sulat ay nagmamadaling umalis, sakay ng mabibilis na kabayo ng hari at sinunod agad ang utos ng hari. Ang utos ay ipinakalat din sa Lunsod ng Susa.

39 Nang lumabas ng palasyo si Mordecai, ipinagbunyi siya ng buong Lunsod ng Susa. Suot niya ang maharlikang kasuotan: puti't asul ang kanyang damit, pinong lino na kulay ube ang balabal, at koronang ginto.

40 Nagbigay ito ng malaking karangalan at kagalakan sa mga Judio.

41 Sa lahat ng dakong naabot ng utos ng hari, nagpista sa tuwa ang mga Judio. At sa buong kaharian, maraming Hentil ang nagpatuli at naging Judio dahil sa takot nila sa mga ito.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help