Juan 7 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Hindi Sumampalataya kay Jesus ang Kanyang mga Kapatid

1Pagkatapos nito'y nilibot ni Jesus ang Galilea. Iniwasan niya ang Judea dahil nais siyang patayin ng mga pinuno ng mga Judio roon.

2Nalalapit sapagkat hindi pa dumating ang aking panahon.”

9Pagkasabi nito, nagpaiwan siya sa Galilea.

Nagturo si Jesus sa Pista ng mga Tolda

10Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista.

11Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.

12Pabulong na pinag-uusapan siya ng marami. “Siya'y mabuting tao,” sabi ng ilan. “Hindi, inililigaw niya ang mga tao,” sabi naman ng iba.

13Ngunit walang nangahas magsalita nang hayagan tungkol sa kanya dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio.

14Nang kalagitnaan na ng pista, pumasok si Jesus sa Templo at nagturo.

15Nagtaka ang mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?”

16Kaya't sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.

17Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin.

18Ang nagtuturo ng galing sa sarili niya ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi nagsisinungaling.

19Hindi ba't ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Bakit wala ni isa man sa inyo ang tumutupad nito? Bakit nais ninyo akong patayin?”

20Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”

21Sumagot si Jesus, “Isang bagay pa lamang ang ginawa ko'y nagtataka na kayong lahat.

22Ibinigay”

39Ang tinutukoy niya'y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Sapagkat hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa niluwalhati.

Nagtalu-talo ang mga Tao tungkol sa Cristo

40Sinabi ng ilang nakarinig sa kanya, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!”

41“Siya na nga ang Cristo!” sabi naman ng iba. Ngunit may nagsabi rin, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo? Di ba hindi?

42Hindi2 Sam. 7:12; Mik. 5:2. ba sinasabi sa Kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni David?”

43Nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa mga tao dahil sa kanya.

44Gusto ng iba na dakpin siya, ngunit wala namang nangahas na humuli sa kanya.

Ang Di-paniniwala ng mga Pinuno

45Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at ng mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?”

46Sumagot ang mga bantay, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad ng taong ito!”

47“Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo.

48“Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya?

49Ang mga taong bayan na ito na walang nalalaman sa Kautusan ay mga sinumpa!”

50IsaJn. 3:1-2. sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay Jesus noong una. At siya'y nagtanong,

51“Hindi ba't labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa?”

52Sumagot sila, “Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Saliksikin mo ang Kasulatan at makikita mong walang propetang magmumula sa Galilea.”

Pinatawad ang Babaing Nangalunya

[

53Pagkatapos nito, umuwi na ang lahat.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help