1Hindi nagtagal, naisipan ni Haring Antioco na pilitin ang mga Judio na iwaksi ang kanilang mga kaugalian at relihiyon. Isinugo niya ang isang matandang taga-Atenas para ipatupad ito;
2inutusan pa itong lapastanganin ang templo sa Jerusalem at italaga ito sa diyus-diyosang si Zeus ng Olimpo. Ang templo namang nasa Bundok ng Gerizim ay tinawag na “Templo ni Zeus, ang Diyos na Mapagmalasakit sa mga Banyaga,” alinsunod sa mga kahilingan ng mga mamamayan doon.
3Lalo namang lumaganap ang kasamaan at pang-aapi na halos ay hindi na makayang tiisin ninuman.
4Ginamit ng mga Hentil ang loob ng templo para maglasingan at magpasasa sa kahalayan. Kumuha sila ng masasamang babaing aaliw sa kanila at kahit sa banal na pook ay nagtatalik sila. Maging mga bagay na ipinagbabawal ihandog ay dinadala sa templo,
5anupa't ang altar ay nasalaula ng mga handog na itinuturing na nakakapandiri ayon sa Kautusan.
6Dahil dito, hindi na maipangilin ng mga Judio ang Araw ng Pamamahinga at ang mga katutubong pista; ni ayaw aminin ng isang Judio na siya nga'y Judio.
7Bawat buwan ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng hari, at sa pagkakataong ito'y sapilitang pinapakain ang mga Judio ng mga handog sa diyus-diyosan. Sa kapistahan naman ng diyus-diyosang si Dionisio, hindi maaaring hindi sila sasama sa prusisyon na nakakorona ng dahon ng yedra.
8Dahil sa payo ni Tolomeo, nahimok ang hari na iutos sa iba pang mga lunsod na Griego na sapilitan ding pakainin ang mga Judio ng mga handog sa diyus-diyosan at piliting makiisa sa pamumuhay Griego.
9Iniutos ding ang lahat ng ayaw makiisa sa pamumuhay Griego ay patayin. Maliwanag na marami pang kasamaan ang mangyayari.
10Halimbawa, sa inihandang pagpapatayan sa kanya.
29Ang mga kaibigang nagmalasakit sa kanya ay nainis na rin; para sa kanila'y kaululan lamang ang mga sinabi niya.
30Kaya't ginulpi nila siya hanggang sa mamatay. Ngunit bago nalagutan ng hininga, sinabi ni Eleazar, “Ang Panginoon ang nakababatid ng lahat. Alam niya ang katakut-takot na hirap na tiniis ko sa pagpaparusang ito, kahit ito'y maaaring maiwasan ko. Alam din niyang maligaya kong tiniis itong hirap dahil sa aking paggalang sa kanya.”
31Namatay nga si Eleazar, ngunit siya'y nag-iwan ng isang halimbawa ng pagiging uliran sa katapangan at di malilimutang katangian ng pag-uugali, hindi lamang para sa mga kabataan kundi para rin sa buong bansa.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
