1Sinabi ni Yahweh kay Moises,
2“Ganito na kumakalat ang bahay na tinitirhan ninyo,
35kailangang ipagbigay-alam agad ito sa pari.
36Ipapaalis ng pari ang lahat ng kasangkapan doon bago siya magsiyasat; kung hindi, ituturing ding marumi ang mga bagay na naroon. Pagkatapos, papasok na siya upang magsiyasat.
37Kung makita niyang may mga palatandaang bahid sa mga dingding, maging ang kulay ay berde o pula,
38lalabas agad siya at pitong araw niyang ipasasara ang bahay na iyon.
39Babalik siya sa ikapitong araw at kung ang bahid ay humawa sa dingding ng bahay,
40ipapabakbak niya ang mga batong may bahid at ipapatapon sa labas ng bayan, sa tambakan ng dumi.
41Ipapabakbak din ang palitada ng loob ng bahay at itatapon sa tambakan ng basura ang lahat ng duming makukuha.
42Ang mga batong binakbak sa loob ng bahay ay papalitan ng bago at papalitadahan nang panibago ang loob ng bahay.
43“Kung ang amag ay lumitaw na muli sa bahay matapos gawin ang lahat ng ito,
44magsisiyasat muli ang pari. Kung ang amag ay kumalat, ipahahayag na niyang marumi ang bahay na iyon.
45Ipasisira na niya ito nang lubusan at ipatatambak sa labas ng bayan sa tapunan ng basura.
46Ang sinumang pumasok sa tahanang iyon habang nakasara ay ituturing na marumi hanggang gabi.
47Ang sinumang kumain o matulog doon ay dapat magbihis at maglaba ng damit na kanyang sinuot.
48“Kung makita ng pari na hindi naman kumakalat ang amag pagkatapos palitadahang muli ang bahay, ipahahayag niyang ito'y malinis na.
49Upang lubos itong luminis, kukuha ang pari ng dalawang ibon, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo.
50Papatayin niya ang isa sa mga ibon at ang dugo nito'y patutuluin sa isang bangang may tubig na galing sa bukal.
51Ang kapirasong sedar, ang pulang lana, ang hisopo at ang buháy na ibon ay itutubog niya sa banga. Pagkatapos, wiwisikan niya ng pitong beses ang bahay.
52Sa gayon, magiging malinis na ito.
53Pakakawalan naman niya sa kaparangan ang buháy na ibon. Sa gayon, matutubos ang bahay at muling ituturing na malinis.”
54Ito ang mga tuntunin tungkol sa sakit sa balat na parang ketong at pangangati:
55sa amag sa damit o sa bahay, at
56sa namamaga o anumang tumutubong sugat.
57Ito ang mga tuntunin upang malaman kung ang isang tao o bagay ay malinis o marumi.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
