Isaias 42 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Lingkod ni Yahweh

1Sinabi

16Aakayin ko ang mga bulag,

sa mga daang hindi nila nakikita.

Gagawing liwanag ang kadiliman sa harapan nila,

at papatagin ko ang mga daang baku-bako.

Ang lahat ng ito'y aking gagawin alang-alang sa kanila.

17Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng kumikilala

at nagtitiwala sa mga diyus-diyosan.”

Hindi na Natuto ang Israel

18Sinabi ni Yahweh,

“Kayong mga bingi, ngayon ay makinig!

At kayong mga bulag naman ay magmasid!

19Mayroon bang mas bulag pa kaysa sa aking lingkod,

o mas bingi pa sa aking isinugo?

20Israel, napakarami mo nang nakita ngunit walang halaga sa iyo.

Mayroon kang tainga ngunit ano ang iyong napakinggan?”

21Isang Diyos na handang magligtas itong si Yahweh,

kaya ibinandila niya ang kanyang kautusan at mga tuntunin

upang sundin ng kanyang bayan.

22Ngunit ngayong sila'y pinagnakawan,

ikinulong sa bilangguan, at inalipin,

sa nangyaring ito'y wala man lang nagtanggol,

o kaya'y dumamay.

23Wala pa bang makikinig sa inyo?

Hindi pa ba kayo natututo para makinig na mabuti?

24Sino ang nagpahintulot na manakawan ang Israel?

Hindi ba si Yahweh na ating sinuway?

Hindi natin siya sinunod

sa halip, nilabag natin ang kanyang mga utos.

25Kaya ipinadama niya sa Israel ang kanyang galit,

at ipinalasap ang lupit ng digmaan.

Ang galit niya'y nag-aalab laban sa Israel,

halos matupok na tayo,

ngunit hindi pa rin tayo natuto.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help