Ecclesiastico 28 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

1Ang mapaghiganti ay paghihigantihan din ng Panginoon,

pagkat natatandaan niya ang kasalanan ng bawat tao.

2Patawarin

Mga bansa'y napatapon sa iba't ibang lupain;

mga lunsod na may kuta ay nalupig ng kaaway; mga naghahari ay bumagsak nang tuluyan.

15Dahil pa rin sa dilang iyan ang matapat na maybahay ay napalayas sa tahanan,

at ang kanyang pinagpagura'y inagaw na walang awa.

16Ang sinumang nakikinig sa tsismis ay hindi magkakamit ng kapahingahan.

17Ang hampas ng latigo ay nakakalatay;

ang hagupit ng dila ay nakakabali ng buto.

18Mas marami ang namatay sa talas ng dila,

kaysa napahamak sa talim ng espada.

19Mapalad ang taong dito'y nakaiwas,

sa kalupitan nito'y lubhang nakaligtas.

Mapalad ang taong hindi nito nagapos,

at hindi nagpasan ng pamatok nito.

20Ang pamatok nito'y sintigas ng bakal,

ang tanikala'y mabigat na tanso.

21Ang kamatayang iginagawad nito'y kakila-kilabot,

higit na malupit kaysa libingan.

22Walang magagawa ang dilang malupit sa mga tunay na banal,

at hindi sila masusunog ng apoy nito.

23Ngunit ang mga tumatalikod sa Panginoon ay mahuhulog sa kapangyarihan niya,

matutupok sila magpakailanman sa kanyang ningas na di mapapawi.

Ang malupit na dila ay sasalakay na parang leon,

parang malupit na leopardo na lalapa sa kanila.

24-25Kung sinususian ang ginto mo't pilak upang hindi manakaw,

mga salita mo ay dapat timbangin at pakaingatan.

Kung pinalilibutan mo ang iyong ubasan ng bakod na tinik,

lagyan mo ng pinto't matibay na tarangka ang iyong bibig.

26Pakaingatan mong huwag magkamali nang dahil sa dila,

upang hindi mahulog sa kapangyarihan ng nakaabang na kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help