Mga Awit 4 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Panalangin sa GabiKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng instrumentong may kuwerdas.

1Sagutin mo po ang aking pagtawag,

O Diyos, na aking kalasag!

Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan,

kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.

2Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin?

Ang walang kabuluhan at kasinungalingan,

hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)

3Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid,

kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.

4Huwag

5Nararapat na handog, inyong ialay,

pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.

6Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”

Ikaw, O Yahweh, ang totoong mahabagin!

7Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,

higit pa sa pagkain at alak na inumin.

8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,

pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help