Genesis 17 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Pagtutuli, Palatandaan ng Kasunduan

1Nang siyamnapu't siyam na taon na si Abram, nagpakita sa kanya si Yahweh at sinabi, “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay.

2Ako'y makikipagtipan sa iyo at lubhang pararamihin ko ang iyong lahi.”

3Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos,

4“Ito ang aking tipan sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa.

5Hindi sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa.

6Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.

7“Tutuparin

16sapagkat siya'y pagpapalain ko. Magkakaanak ka sa kanya at siya'y magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari mula sa kanyang mga salinlahi.”

17Muling nagpatirapa si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, “Magkakaanak pa ba ang isang lalaki na sandaang taóng gulang na? At si Sara! Maglilihi pa ba siya gayong siya'y siyamnapung taon na?”

18At sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?”

19Kaya't sumagot ang Diyos, “Hindi; ang asawa mong si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mo siyang Isaac. Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman.

20Tungkol naman kay Ismael, ipagkakaloob ko ang kahilingan mo: Pagpapalain ko siya at pararamihin ko rin ang kanyang lahi. Magkakaanak siya ng labindalawang prinsipe, at magiging bansang makapangyarihan ang kanyang salinlahi.

21Ngunit ang aking tipan sa iyo ay matutupad kay Isaac, na isisilang ni Sara sa isang taon, sa ganito ring panahon.”

22Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham.

23Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging ang aliping ipinanganak doon o binili.

24Si Abraham ay siyamnapu't siyam na taon na nang tuliin,

25si Ismael naman ay labingtatlo.

26Tinuli sila sa parehong araw,

27at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help