Ang Karunungan ni Solomon 3 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

Ang Kapalaran ng mga Matuwid

1Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,

at di sila makakaranas ng kaunti mang pahirap.

2SaAng Parusa sa Masasama

10Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan,

sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoon

at niyurakan ang katuwiran.

11Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral.

Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararating

at wala silang magagawang kabutihan.

12Lalabas na di mapagkakatiwalaan ang kanilang mapapangasawa,

at ang kanilang mga anak ay maliligaw ng landas.

13Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa.

Ang Kahalagahan ng Kalinisan

Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman.

Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan;

gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.

14Mapalad ang eunuko na hindi gumawa ng masama

at hindi nagkimkim ng hinanakit laban sa Panginoon.

Siya ay may tanging gantimpala para sa kanyang katapatan

na higit na mahalaga kaysa pagkakaroon ng anak.

Bibigyan siya ng tanging lugar sa tahanan ng Panginoon.

15Ang matuwid na gawa ay parang punongkahoy na hitik sa masasarap na bunga.

Ang Karunungan ay parang buháy na ugat na maaaring litawan ng sariwang usbong.

16Ngunit ang mga anak ng mga mapangalunya ay walang kinabukasan;

di hahaba ang kanilang buhay.

17At kung mabuhay man sila nang matagal ay wala ring kabuluhan

sapagkat hindi sila igagalang kahit sila'y matanda na.

18At kung mamatay nang maaga ay wala ring pag-asa,

o kaaliwan sa Araw ng Paghuhukom.

19Kasawiang talaga ang wakas ng mga anak sa pagkakasala.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help