Ang Karunungan ni Solomon 12 - Tagalog Meaning-Based Bible(MBBTAG12)

1Ang espiritu mong walang kamatayan ay nasa lahat ng bagay,

2kaya unti-unti mong itinutuwid ang mga nagkakasala.

Pinapaalalahanan mo at binabalaan sila sa kanilang mga ginawa,

upang iwanan na nila ang kanilang masamang pamumuhay at sa iyo sila manalig, Panginoon.

Ang mga Kasalanan ng mga Canaanita

3Kinamuhian ka sa pagpaparusa sa mga kaaway ng iyong bayan.

Bagama't dapat na silang mamatay,

binigyan mo pa rin sila ng lahat ng pagkakataong iwanan ang masama nilang pamumuhay.

21Ngunit naging mahigpit ka sa paghatol sa iyong bayan,

bagama't nakipagtipan ka sa kanilang mga ninuno at pinangakuan sila ng mabubuting bagay.

22Oo, kami'y iyong pinarusahan, ngunit higit na matindi ang parusa mo sa aming mga kaaway,

upang kapag kami ay humatol sa iba, ay maalala namin ang iyong kabutihan.

At kapag kami naman ang hinatulan, ay makaasa kami na kami'y kahahabagan.

Ang Parusa sa mga Taga-Egipto

23Pinarusahan mo ang mga namuhay nang masama,

at ang ginamit mo sa pagpaparusa ay ang mga kasuklam-suklam na bagay na kanilang sinamba.

24Nahiwalay sila nang malayo sa katotohanan,

at sumamba sa mga kasuklam-suklam na hayop.

Nalinlang sila na para bang mga batang walang isip.

25Pinarusahan mo sila dahil sa kanilang kahangalan,

kaya't ang lagay nila'y parang mga batang walang muwang.

26Magaan ang naging parusa sa kanila,

ngunit daranas ng buong bigat na parusa ng Diyos ang hindi pumansin sa gayong mga babala.

27Nang gamitin ng Diyos sa pagpaparusa sa kanila ang mga hayop na kanilang sinasamba,

nagising sila sa mapait na katotohanan.

Nakilala nila ang Diyos na matagal nilang di pinansin,

kaya't bumagsak sa kanila ang pinakamasaklap na parusa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help