Mga Hebreo 10 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

1Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon.

2Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na sana silang dapat alalahanin, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli.

3Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon,

4sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.

5-6Dahil

“Kaunting panahon na lamang;

hindi na magtatagal, at si Cristo ay darating na.

38Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,

ngunit kung siya'y tatalikod,

hindi ko siya kalulugdan.”

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help