Mga Awit 110 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Si Yahweh at ang Piniling HariIsang Awit na katha ni David.

1SinabiMt. 22:44; Mc. 12:36; Lu. 20:42-43; Gw. 2:34-35; 1 Cor. 15:25; Ef. 1:20-22; Co. 3:1; Heb. 1:13; 8:1; 10:12-13. ni Yahweh,

sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko,

hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

2Magmula sa dakong Zion,

ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;

“At lahat ng kaaway mo'y

sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.

3Sasamahan ka ng madla,

kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;

magmula sa mga bundok,

lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

4SiHeb. 5:6; 6:20; 7:17, 21. Yahweh ay may pangako

at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago:

“Ikaw ay pari magpakailanman,

ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

5Si Yahweh ay naroroong

nakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit,

ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig.

6Siya'y hukom na hahatol

sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat,

marami ang malalagas!

Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.

7Sa batis sa lansangan,

itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan;

sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help