Mga Awit 52 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Hatol at Habag ng DiyosMaskil

4Taong sinungaling

ang iba'y gusto mong saktan sa salita.

5Kaya't wawasaki't

aal'sin ka ng Diyos sa loob ng tolda,

sa mundo ng buháy aalisin ka niya. (Selah)

6Ito'y makikita

ng mga matuwid, matatakot sila,

at ang sasabihing pawang nagtatawa:

7“Masdan mo ang taong

sa Diyos di sumampalataya,

sa taglay niyang yaman nanangan

at nagpakalakas sa kanyang kasamaan.”

8Kahoy na olibo

sa tabi ng templo, ang aking katulad;

nagtiwala ako

sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

9Di ako titigil

ng pasasalamat sa iyong ginawa,

ang kabutihan mo'y

ipahahayag ko, kasama ng madla.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help