Mateo 22 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Ang Talinhaga Tungkol sa Kasalan(Lu. 14:15-24)

1Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinhaga. Sinabi niya,

2“Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

3Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang dumalo.

4Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito: ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina kayo!’

5Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-kanilang lakad. May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso ng kanyang negosyo.

6Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at pinatay.

7Galit na galit ang hari kaya't pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lunsod.

8Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, ‘Nakahanda na ang mga pagkain ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.

9Pumunta kayo sa mga lansangang matao at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’

10Pumunta nga sa mga pangunahing lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

11“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan.

12Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao,

13kaya't ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito.

36“Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.

37SumagotDeut. 6:5. si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.

38Ito ang pinakamahalagang utos.

39ItoLev. 19:18. naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

40Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”

Ang Tanong Tungkol sa Anak ni David(Mc. 12:35-37; Lu. 20:41-44)

41Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon.

42“Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?”

“Kay David po,” sagot nila.

43Sabi ni Jesus, “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na ‘Panginoon’ nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,

44‘SinabiAwit 110:1. ng Panginoon sa aking Panginoon:

Maupo ka sa kanan ko,

hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

45Ngayon, kung si David ay tumawag sa kanya ng ‘Panginoon,’ paanong masasabing anak ni David ang Cristo?”

46Isa man sa kanila'y walang nakasagot, at mula noo'y wala nang nangahas magtanong sa kanya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help