Isaias 40 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Mga Salita ng Pag-asa

1“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos.

“Aliwin ninyo sila!

2Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem,

tapos na ang kanilang pagdurusa

sapagkat nabayaran na nila ng lubos

ang kasalanang ginawa nila sa akin.”

3Ganito

sabihin mo sa mga lunsod ng Juda,

“Narito na ang inyong Diyos!”

10DumaratingIsa. 62:11; Pah. 22:12. ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan,

dala ang gantimpala sa mga hinirang.

11AtEze. 34:15; Jn. 10:11. tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan;

sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin.

Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,

at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Walang Katulad ang Diyos

12Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay?

Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan?

Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan?

Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

13SinoRo. 11:34; 1 Cor. 2:16. ang makakapagsabi ng dapat gawin ni Yahweh?

May makakapagturo ba o makakapagpayo sa kanya?

14Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?

Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?

Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?

15SaKar. 11:22; Ecc. 10:16-17. harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,

tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;

at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.

16Hindi sapat na panggatong ang lahat ng kahoy sa Lebanon.

Kulang pang panghandog ang lahat ng hayop sa gubat roon.

17Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.

18SaanGw. 17:29. ninyo ihahambing ang Diyos

at kanino ninyo siya itutulad?

19Siya ba'y maihahambing sa mga imaheng ginawa ng tao,

na binalutan ng ginto,

at ipinatong sa pilak?

20HindiKar. 13:11-19; Bar. 6:8-40. rin siya maitutulad sa rebultong kahoy

matigas man ang kahoy at hindi nabubulok,

na nililok upang hindi tumumba

at mabibili lang sa murang halaga.

21Hindi ba ninyo nalalaman?

Wala bang nagbalita sa inyo noon,

kung paano nagsimulang likhain ang sanlibutan?

22Ang lumikha nito ay ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono doon sa kalangitan;

mula roon ang tingin sa tao'y parang mga langgam.

Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina,

tulad ng tolda upang matirahan.

23Inaalis niya ang mga pinuno sa kapangyarihan,

at ginagawang walang kabuluhan.

24Tulad nila'y mga halamang walang ugat,

bagong tanim at natutuyo agad;

at tila dayaming tinatangay ng hangin.

25Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos?

Mayroon ba siyang katulad?

26TumingalaBar. 3:34-35. kayo sa langit!

Sino ba ang lumikha ng mga bituin?

Sino ba ang sa kanila'y nagpapakilos,

at sino ba ang nagbigay ng kanilang pangalan?

Dahil sa kanyang dakilang kapangyarihan,

walang nawala sa kanila kahit isa man.

Si Yahweh ang Nagbibigay ng Kalakasan

27Israel, bakit ka ba nagrereklamo

na tila hindi pansin ni Yahweh ang kabalisahan mo,

o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?

28Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?

Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,

ang siyang lumikha ng buong daigdig?

Hindi siya napapagod;

sa isipan niya'y walang makakaunawa.

29Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.

30Kahit na ang mga kabataan ay napapagod

at nanlulupaypay.

31Ngunit muling lumalakas

at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.

Lilipad silang tulad ng mga agila.

Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod,

sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help