Mga Awit 12 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Panalangin Upang Tulungan ng DiyosKatha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Sheminit.

1O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao,

wala nang taong tapat at totoo.

2Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa,

nagkukunwari at nagdadayaan sila.

3Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila,

at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

4silang laging nagsasabi,

“Kami'y magsasalita ng nais namin;

at sa gusto nami'y walang makakapigil!”

5“Darating na ako,” sabi ni Yahweh,

“Upang saklolohan ang mga inaapi.

Sa pinag-uusig na walang magkupkop,

hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”

6Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan,

ang katulad nila'y pilak na lantay;

tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.

7Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan,

sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;

8Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar,

ang mga gawang liko ay ikinararangal!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help