Mga Awit 127 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Pagpupuri Dahil sa Kabutihan ng DiyosIsang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni Solomon.

1Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay,

ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan;

maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay,

ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

2Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay;

maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay,

pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.

3Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak,

ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

4Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan,

ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal.

5Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan,

hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan,

kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help