Mga Taga-Galacia 5 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Manatili Kayong Malaya

1Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!

2Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo.

3Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan.

4Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos,

5ngunit kami'y umaasa na kami'y magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

6Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa mga gawaing udyok ng pag-ibig.

7Mabuti na sana ang inyong ginagawa. Sino ang pumigil sa inyong pagsunod sa katotohanan?

8Hindi iyan gagawin ng Diyos na tumawag sa inyo.

9Ang paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,

23kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

24At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.

25Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.

26Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help