Mga Awit 99 - Magandang Balita Bible (Revised)(RTPV05)

Si Yahweh ang Kataas-taasang Hari

1SiExo. 25:22. Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay,

mga tao'y nanginginig,

trono'y sa ibabaw ng mga kerubin,

kaya daigdig ay nayayanig.

2Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa,

si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.

3Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan,

si Yahweh ay banal!

4Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran,

ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan;

ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.

5Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan;

sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan!

Si Yahweh ay banal!

6Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;

at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba;

nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.

7SiExo. 33:9. Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap;

sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

8O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad,

at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;

ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.

9Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan,

sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!

Si Yahweh na ating Diyos ay banal!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help